UMABOT | Mahigit 28,000 Pinoy na biktima ng illegal recruiters at human trafficking, napigilang makalabas ng bansa

Manila, Philippines – Umaabot sa 28,467 na mga Pilipino na walang kaukulang dokumento o hindi nakasunod sa overseas requirement ang napigilang makalabas ng bansa sa nakalipas na 10 buwan.

Sinabi ni Immigration Port Operations Division Chief Grifton Medina na 23,200 ng nasabing mga pasahero ang naharang sa NAIA terminals habang ang iba ay sa Davao, Clark, Iloilo, Mactan-Cebu at Kalibo airports.

151 sa nasabing bilang ay mga babaeng menor de edad na patungo sana ng Saudi Arabia.


Muli namang nagpaalala ang BI sa mga Pinoy na magta-trabaho sa ibang bansa na tiyaking mayroon silang overseas employment certificate mula sa POEA.

Facebook Comments