Ayon kay Department of Human Settlements and Urban Development at 11-member Pag-ibig fund Board of Trustees Head Secretary Eduardo Del Rosario, bilang pagsuporta sa taongbayan ngayong panahon ng COVID-19 pandemic, inaprubahan na ng Pag-ibig fund ang cash loans na aabot sa P716.26 million para sa mga miyembro nito.
Layon aniya nitong makatulong sa mga apektadong miyembro upang maibsan ang kanilang mga pangangailangan ngayon umiiral ang Enchanced Community Quarantine (ECQ) dahil sa virus.
Ang mga cash loan na ito ay kilala rin sa tawag na short-term loans na kinabibilangan ng calamity at multi-purpose loan.
Ang mga kwalipikadong miyembro ay maaaring makahiram ng higit sa 80-percent ng kanilang total savings sa Pag-ibig fund.
March, 20, nang magsimulang magtanggap ng loan application ang Pag-ibig fund sa pamamagitan ng e-mail.