Umabot na sa 41,948 ang bilang ng pasahero na dumagsa sa mga pantalan sa bansa

Ito ay batay sa ginagawang monitoring ng Philippine Coast Guard sa ilalim ng kanilang programang oplan biyaheng ayos Undas 2019.

Pinakamaraming naitalang pasahero sa mga pantalan sa Central Visayas na nasa 25,200 na sinundan Southern tagalog na may 7,061.

Nasa 2,029 naman ang bilang ng pasahero sa mga pantalan sa South Eastern Mindanao, Western Visayas na umabot sa 1,898; Southern Visayas – 1,854 at Bicol region na nasa 1,787 ang bilang.


Paalala ng coast guard sa mga ba-biyahe na agahan ang pag tungo sa mga pantalan para iwas abala lalo na at mahigpit din ang ginagawa nilang inspeksyon sa mga gamit upang masiguro ang kaligtasan ng mga pasahero at konting haba ng pasensiya.

Samantala, nahanda na ang relief operations ng coast guard para sa mga biktima ng lindol sa Mindanao.

Sampung truck na may kargang 15,000 food packs at 1,500 tents ang dadalhin ng mga tauhan ng pcg sa mga regional offices ng DSWD.

Facebook Comments