Umabot sa ₱100-K na halaga ng mga paputok at pailaw, nakumpiska ng QCPD

Aabot sa ₱100,000 na halaga ng mga paputok at pailaw ang nakumpiska ng Quezon City Police District sa ikinasa nilang mga operasyon sa lungsod.

Ayon kay QCPD Director Police Brig. Gen. Danilo Macerin, malalakas na uri ng paputok ang kanilang nakumpiska sa Brgy. Culiat, Talipapa at Project 6.

Kung maalala naglabas ng kautusan ang Metro Manila Council na bawal ang paputok at pailaw sa pagsalubong ng Bagong Taon.


Sinabi naman ni Quezon City Mayor Joy Belmonte na ₱5,000 ang multa sa mahuhuling lalabag dito at maaaring makulong.

Samantala, iba naman ang naging diskarte ng ilang residente sa QC para salubungin ang Bagong Taon.

Imbis na paputok, kaldero, torotot, busina ng sasakyan at iba pang uri ng pampaingay ang kanilang gagamitin.

Anila, bukod sa tipid ito, ligtas pang gamitin kumpara sa mga paputok at pailaw.

Facebook Comments