UMAKSYON | LTFRB, pinahahanap na ang babaeng nakagitgitan ng matandang taxi drayber

Manila, Philippines – Pinaghahanap na ng Land Transportation Office (LTO) ang babaeng driver ng isang kotse matapos nitong suntukin at pagmumurahin ang isang taxi driver sa Congressional Avenue, Quezon City kahapon.

Sa kaniyang pagharap sa LTFRB, maluha-luhang ikinuwento ni Virgilio Doctor ang 52-anyos na driver ng taxi ang nangyari.

Ayon kay Doctor, nakagitgitan niya ang asul na Honda City at nang hindi napagbigyang kumanan sa Visayas Avenue ay bumaba ang babaeng driver na armado ng golf club.


Aniya, pinagpapalo ng babaeng suspek ang kanyang taxi at walang habas na pagmumurahin hanggang sa suntukin siya nito matapos ayaw bumaba ng taxi.

Ikinainis ni LTFRB board member at spokesperson Atty. Aileen Lizada ang insidente na kahapon pa nag-viral sa Facebook matapos makuhanan ng video at i-post ng netizen na si Joshua Baluyot.

Ayon sa operator ng DMC taxi na si Arvin Valdecantos, sasampahan din nila ng hiwalay na kasong kriminal ang suspek na natukoy sa pangalang Cherish Sharmaine Interior, 31-anyos, isang call center supervisor.

Facebook Comments