UMAKYAT | Bilang ng mga nahuli dahil sa paglabag sa local ordinances, pumalo na sa 370,000 – NCRPO

Manila, Philippines – Umakyat na sa 370,000 tao ang nahuhuli ng pulisya dahil sa paglabag sa mga lokal na ordinansa.

Ayon sa National Capital Region Police Office (NCRPO), ang naturang datos ay mula June 13 hanggang Oct. 12.

Sa nabanggit na bilang, 31.36% o katumba ng higit 115,000 dahil sa paglabag sa smoking ban, 6.39% o katumbas ng higit 25,000 ang nahuling walang damit na pang-itaas.


6.69% Naman o mahigit 24,000 ang lumabag sa curfew hours 4.72% ang nahuli dahil sa pag-inom ng alak sa kalsada.

Ang natitirang 50% ay dahil sa iba pang paglabag.

Naitala naman sa Quezon City Police District (QCPD) ang may pinakamaraming lumabag sa mga lokal na ordinansa na nasa mahigit 200,000.

Facebook Comments