UMAKYAT | Bilang ng mga nahuling tambay sa Metro Manila, umabot na sa higit 20,000

Manila, Philippine – Umabot na sa halos 23,000 ang mga nahuling tambay na lumabag sa mga ordinansa sa Metro Manila mula June 13.

Ayon kay National Capital Region Police Office (NCRPO) Director Guillermo Eleazar – pinakamaraming nahuli ang Eastern Police District (EPD) na umabot sa higit 9,000.

Karamihan sa mga dinampot ay dahil sa paninigarilyo sa hindi smoking area, nag-iinuman sa kalsada, walang pang-itaas na damit, nagsusugal at iba pa.


Facebook Comments