UMAKYAT | Gun ban violators, umabot na sa mahigit 1000

90

Manila, Philippines – Umakyat na sa Isang libo isang daan at limangput pitong indibidwal ang naaresto ng Philippine National Police dahil sa paglabag sa umiiral na gun ban.

Batay sa rekord ng PNP karamihan sa mga lumabag ay mga sibilyan kabilang din ang 6 na pulis at 6 na sundalo.


Kabuuang 996 na mga baril naman ang kanilang narekober mula sa mga naaresto habang 7 libong mga patalim at iba pang nakakamatay na bagay ang kanilang nakumpiska.

Naaresto ang mga gun ban violators at nakumpiska ang mga baril at patalim sa ibat ibang operations katulad ng checkpoint at pagsalakay ng PNP.

Ang gun ban ay nagsimula noong April 14 na magtatagal hanggang June 14 kaugnay sa gaganaping Brgy at Sangguniang kabataan election sa May 14, 2018.

Facebook Comments