Manila, Philippines – Nasa 31% ang inakyat ng Foreign Direct Investment sa bansa, mula Enero hanggang Agosto ngayong 2018, o kabuuang 7.4 billion dollars na halaga.
Mas mataas ito kung ikukumpara sa 5.7 billion dollars na naitala ng pamahalaan noong unang walong buwan ng 2017.
Ayon kay Budget and Management Secretary Benjamin Diokno, malaki ang ambag ng Build Build Build program ng pamahalaan, dahil dito nakikita ang progreso ng bansa, kaya’t marami ang foreign investors na nagtiwala sa proyektong ito. Kabilang na dito ang mga bansang China, Japan, Singapore, Hongkong at US.
Dahil dito, ayon sa kalihim, titiyakin ng economic managers ng bansa na magpapatuloy ang mga reporma sa Philippine Economy upang mas marami pang investors ang ma-engganyo na maginvest sa bansa, upang mas marami pang trabaho ang malikha