Manila, Philippines – Base sa pinakahuking datos mula sa Philippine National Police National Election Monitoring Action Center, mula April 14 hanggang May 6, umakyat na sa 1,028 indibidwal ang kanilang naaresto dahil sa paglabag sa umiirial na gun ban.
900 sa mga ito ay mga sibilyan,
24 ay mga security guards,
14 ang mga government officials,
10 ay miyembro ng threat groups,
3 mula sa mga private armed groups,
2 banyaga,
6 na pulis,
6 na sundalo at
3 iba pa na galing sa law enforcement agencies.
Samantala aabot naman sa 800 baril ang nakumpiksa ng PNP na karamihan ay pistol, revolver, rifle at shotgun.
Bukod dito ay nakakumpiska rin sila ng daang daang patalim, pampasabog at libo-libong mga bala.
Facebook Comments