Manila, Philippines – Umakyat na sa 111 personalidad ang naaresto ng mga tauhan ng Manila Police District sa iba’t ibang mga paglabag sa Maynila.
Ayon kay MPD Spokesman Supt. Erwin Margarejo kabilang sa mga paglabag ay Illegal Drugs,Illegal Gambling, Physical Injury, Carnapping,City Ordinances, Warrant of Arrest at iba pang mga paglabag.
Paliwanag ni Margarejo sa 111 katao kanilang 38 piraso ng plastic sachets na may lamang pinaghihinalaang shabu ang kanilang nakumpiska, 5 pirasong pinatuyong dahon ng marijuana at isa unit ng motorcycle Suzuki Raider na may plakang ND230001 color black na nagkakahalaga ng 67 libong piso ng walang kaukulang mga dokumento.
Dagdag pa ng opisyal, tuloy tuloy ang kanilang kampanya kontra kriminalidad upang matiyak na ligtas ang mga mamamayan ng Maynila sa darating na SK at Brgy. Election.