Umakyat na sa 64 ang nagpositibo sa Coronavirus Disease 2019 sa bansa

Ito’y matapos kumpirmahin ng Department of Health (DOH) na nasa 12 bagong kaso ang nadagdag.

  • Patient 53 – isang 30-years old na Filipino mula Mandaluyong city na naka-admit sa the Medical City
  • Patient 54 – isang 40-years old Filipino mula Pasig City ay naka-admit sa Ortigas Hospital and Health Care Center
  • Patient 55 – isang 59-years old na babae na naka-admit sa Cardinal Santos Medical Center
  • Patient 56 – isang 41-years old na lalaki na naka-confine sa St. Lukes Medical Center sa Bonifacio Global City sa Lungsod ng Taguig
  • Patient 57 – isang 65-years old na lalaki na naka-confine sa The Medical City
  • Patient 58 – isang 45-years old na Filipina mula Makati City at naka-admit sa The Medical City
  • Patient 59 – isang 27-years old na lalaki na naka-confine sa Makati Medical Center.
  • Patient 60 – isang 49-years old na lalaki mula Makati City na naka-confine sa St. Lukes Medical Center sa BGC, Taguig
  • Patient 61 – isang 70-years old na babae na naka-confine sa University of the East-Ramon Magsaysay Memorial Medical Center
  • Patient 62 – isang 35 years old na babae na naka-admit sa Ortigas Hospital and Medical Center
  • Patient 63 – isang 33-years old na Filipino mula Rizal Province at naka-admit sa Marikina Valley Medical Center.
  • Patient 64 – isang 32-years old na lalaki mula Maynila at naka-admit sa Bataan St. Joseph Hospital and Medical Center.

Ayon kay Health Sec. Francisco Duque III, hinihimok nila ang publiko na makipag-tulungan sa gobyerno sa pagsasagawa ng contact tracing kasabay ng pagde-deploy ng surveillance teams sa tulong ng mga lokal na pamahalaan.


Pinayuhan din ni Duque ang mga senior citizens at mga indibidwal na may karamdaman na mag-ingat at iwasan ang mga matataong lugar.

Nanawagan din ang DOH sa publiko na iwasan ang pagho-hoard ng basic commodities lalo na ang mga hygiene at sanitation products.

Sa ngayon, nananatili sa lima ang nasawi sa covid-19 sa bansa.

Facebook Comments