Manila, Philippines – Umakyat na sa 812 mga indibidwal ang inaresto ng Philippine National Police matapos na lumabag sa umiiral na gunban kaugnay sa gaganaping Brgy. election sa May 14, 2018.
Ito ang inihayag ni PNP Chief Police Director General Oscar Albayalde.
Aniya ang bilang na ito ay namonitor simula noong April 14, 2018 ang pagsisimula election period hanggang April 30.
Nakuha sa mga gunban violators ang 574 na mga baril.
Nilinaw naman ni Albayalde na hindi pa kasama sa bilang ng mga naaresto at mga nakumpsikang baril ang tatlong magkakapatid na pulis na sina PO1 Ralph Soriano, PO1 Rendel Soriano at PO1 Reniel Soriano matapos mag viral ang kanilang video sa social media na may bitbit na baril kahit nakasibilyan nang tumungo sa harap ng isang bahay sa Caloocan City.