UMAKYAT | Nasawi sa pagsabog sa Lamitan Basilan umabot na sa 11

Basilan – Umakyat na sa labing isang indibidwal ang napatay matapos ang naganap na pagsabog sa Lamitan City Basilan kaninang madaling araw.

Ito ang kinumpirma ni AFP Spokesperson Col Edgard Arevalo aniya ang mga nasawi ay isang sundalo, limang CAFGU at apat na dependents ng CAFGU.

habang pito ang sugatan, anim rito ay miyembro ng Scout ranger at Isang CAFGU.


Pinuri naman ni AFP Chief of Staff General Carlito Galvez ang kanyang mga tauhan dahil sa pagiging vigilant, dedicated at pagsasakripisyo para mapigilan ang pagdami pa ng mga mamatay at masusugatan dahil sa pagsabog.

Habang kinondena naman ng AFP ang ginawang pagpapasabog lalot may mga sibilyang nasawi sa insidente.

Nanawagan rin ang AFP sa publiko na maging mas mapagmatyag, i-report rin aniya sa pulis o militar kung may kahina hinalang bagay o tao upang agad na maaksyunan ng mga awtoridad.

Facebook Comments