Manila, Philippines – Umakyat na sa ₱7.104 trillion ang utang ng national government sa unang walong buwan ng taon.
Sa tala ng Bureau of Treasury (BTR), umakyat sa 10.5% ang total outstanding debt mula sa ₱6.432 trillion sa kaparehong panahon noong 2017.
Tumaas ang foreign debt ng 3.6% o ₱2.531 trillion habang ang domestic debt ay bumaba ng 0.6% o ₱4.573 trillion.
Ang utang panloob ay bumaba dahil sa “net redemption of government securities” na nagkakahalaga ng ₱27.77 billion, na bahagyang na-offset ng pagbagsak ng halaga ng piso.
Ang utang panlabas naman ay kumakatawan sa 35.6% ng kabuuang utang hanggang sa pagtatapos ng agosto habang ang domestic borrowings ay nagdagdag ng 64.37% na bayarin.
Pero sinabi ng Dept. of Budget and Management (DBM) na ang bansang may Debt-to-GDP ratio na mababa sa 60% ay maituturing na fiscally sound.