UMALAMA | Makabayan, pag-aaralan ang magiging hakbang kontra Charter Change

Manila, Philippines – Pag-aaralan ng Makabayan Bloc ang legal na hakbang na gagawin matapos na agad maipasa sa plenaryo ang House Concurrent Resolution # 9 o ang resolusyong naglalayong mag-convene ang Kamara at Senado bilang Constituent Assembly para sa pagbalangkas sa bagong Federalism Constitution.

Umaalma ang Makabayan dahil sa railroading na ginawa para maipasa ang resolusyon.

Hindi kasi pinayagan na makapag-interpellate sina ACT Teachers Rep. Antonio Tinio at Anakpawis Rep. Ariel Casilao para sa ConAs.


Katwiran dito ni Deputy Speaker Raneo Abu, pagkatapos na lamang ng botohan papayagang makapagtanong ang mga kongresista na sa huli ay hindi naman nangyari.

Ayon kay Tinio, halata namang gusto ng mga kongresista na manatili sa pwesto at mabigyan ng iisang kapangyarihan si Pangulong Duterte.

Ipapaubaya na lamang din ng Makabayan sa taumbayan ang Cha Cha sa oras na ito ay umabot na sa plebesito.

Facebook Comments