Manila, Philippines – Nanganganib na namang hindi matuloy ang rematch nina Gennady Golovkin at Saul “Canelo” Alvarez sa September 15.
Nagkaroon daw kasi ng hindi pagkakaintindahan sa hatian ng premyo.
Gusto raw kasi ng kampo ni Alvarez na makuha ang 65-35 financial split pero inalmahan ito ng kampo ni Golovkin ng gusto ng 50-50 hatian.
Ayon sa promoter ni Golovkin na si Tom Loeffer, maghahanap na lang sila ng bago makakalaban ng boksingero.
September 12, 2017 nang unang maglaban ang dalawa na nag resulta ng kontrobersyal na twelve round split draw.
Facebook Comments