UMALMA | Inilabas na DO ng DOTr para sa public transport insurance, pinalagan

Manila, Philippines – Nangangamba ang ibat-ibang malalaking transport at commuters group na magiging pahirapan nang mabayaran pa ang benepisyo para sa maaaksidenteng pasahero ng pampublikong sasakyan sa buong bansa.

Ito ay kasunod ng inilabas na kautusan ng Department of Transportation (DOTr) na pinapayagan nang pumasok ang ibat-ibang insurance provider para sa public transport.

Ayon kay ACTO President Efren de Luna, negosyo at wala nang iba pang dahilan kung bakit ibinabalik ng DOTr ang dating kalakaran na maraming insurance player ang nagsulputan at kalimitang mga fly-by-night companies.


Iginiit ng grupo na maayos na sana ang sitwasyon lalo pa at itinaas na ng LTFRB sa P400,000 ang matatanggap na benepisyo ng isang namatay sa aksidente pero ginulo ng department order 2018-020.

Sumama din sa umalma ang grupong Pasang Masda, LTOP, Fejodap, Altodap at iba pa para igiit ang pag-alma sa anila ay DO na hindi dumaan sa konsultasyon.

Facebook Comments