UMALMA | Kongresista, pumalag sa pagiging racist ng isang miyembro ng Australian National Basketball Team sa Fiba World Cup

Manila, Philippines – Umalma si Puwersa ng Bayaning Atleta o PBA Partylist Rep. Jericho Nograles sa pagiging racist ng Australian National Basketball Team sa Gilas Pilipinas.

Ito ay kasunod ng insidente na kinasangkutan ng dalawang grupo habang mainit ang laban sa FIBA World Cup Qualifier noong Lunes.

Tinukoy ni Nograles ang nakasaad sa Twitter ni Australian Boomer Chris Goulding na “Philippino Monkeys!!! Trash team. Trash crowd. Trash federation. Trash country” at may #Disgraceful.


Giit ni Nograles dapat maparusahan sa ilalim ng FIBA rules partikular ng Article 192, Section 6 ng Chapter 10 ng FIBA Code si Goulding dahil sa mga racist rants na sinabi nito.

Nakasaad sa rules na ito ang pagtrato sa lahat ng mga players ng pantay anuman ang relihiyon, lahi, kasarian o national origin ng player.

Nanawagan naman ang kongresista sa FIBA na silipin ang lahat ng anggulo sa nangyaring insidente sa pagitan ng Australian Team at Gilas gayundin ang pagpapataw ng karampatang parusa.

Facebook Comments