Mexico – Pinalagan ng Mexico si US President Donald Trump matapos sila ang sisihin sa tumataas na illegal immigration sa Estados Unidos.
Ayon sa Mexican Foreign Ministry, hindi sila ang gumagawa ng desisyon para lumikha ng immigration sa Amerika at iba pang bansa.
Iginiit din nila na sila rin ay nagdedesisyon sa pagtanggap ng mga migrants na pumapasok sa kanilang bansa.
Magugunitang nagkasa ng migrant caravan na binubuo ng mga mamamayan mula sa Honduras, El Salvador at Guatemala at nagtungo sa US para humingi ng asylum sa US o sa Mexico.
Facebook Comments