UMALMA | Mga economic leader – pumalag sa panukalang suspendihin ang excise tax sa krudo

Manila, Philippines – Inalmahan na ng mga ekonomic leader sa bansa ang patuloy na pag-atake ng ilang grupo sa tax reform law na siya umanong dahilan sa pagtaas ng presyo ng oil products at iba pang bilihin.

Ayon kay Budget Sec. Benjamin Diokno – ang patuloy na pagtaas ng presyo ng krudo sa world market ang dapat sisihin at hindi ang fuel excise tax na nakapaloob sa unang package ng TRAIN law.

Habang hindi naman pabor si Finance Sec. Carlos Dominguez sa panukalang suspensyon sa excise tax sa langis dahil maapektuhan aniya pondong inilalaan ng pamahalaan sa sweldo ng mga pulis at sundalo, gayundin ang para sa libreng matrikula sa kolehiyo.


Nauna ng sinabi ng Malacañang na bukas silang suspendihin ang excise tax sa petroleum products, gaya ng pahayag ng department of energy na bunsod ng pagtaas sa $8 kada bariles na halaga ng krudo sa world market.

Facebook Comments