UMALMA | Mga pro-GMA Congressmen, umalma sa mga pambabatikos ng ilang Senador sa pagkakatalaga kay GMA na House Speaker

“MIND YOUR OWN BUSINESS”.

Ito ang iginiit ni Mindoro Rep. Doy Leachon sa mga senador na tumutuligsa sa pagkakaluklok kay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo bilang Speaker ng Kamara.

Matapos kasi na hirangin na bagong Speaker ng Mababang Kapulungan si GMA ay pinagbabatikos ito nila Senators Grace Poe, Antonio Trillanes IV at Panfilo Lacson.


Giit ni Leachon, hindi dapat manghimasok ang mga senador sa pagpapalit ng lider ng Kamara dahil sila ay co-equal branch.

Hinikayat ng kongresista ang mga senador na respetuhin ang umiiral na inter-parliamentary courtesy at igalang ang desisyon ng mayorya ng mga kongresista na pumili sa pagiging Speaker ni GMA.

Sinabi naman nila Kabuhayan Rep. Dennis Laogan at Butil PL Rep. Cecille Chavez na ibigay kay GMA ang kortesiya bilang pinakamataas na lider ng Kamara kahit pa may personal issues ang mga ito sa dating Pangulo.

Pinayuhan ng mga ito ang mga senador na mag-move on na at magtulungan ang dalawang kapulungan para makapagtrabaho para sa pangangailangan ng publiko.

Facebook Comments