UMALMA | Mga ulat na nasa 20,000 ang death toll sa war on drugs, pinalagan

Sinupalpal ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga ulat na pumalo na sa 20,000 ang namatay sa war on drugs.

Apat na beses itong mataas kumpara sa datos ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na may 4,999 suspected drug dealers at users lang na nasawi.

Ayon sa Pangulo, masyadong ini-eksaherado ng kanyang mga kritiko ang kampanya.


Iginiit ng Pangulo na ang mga death toll na hindi galing sa gobyerno ay hindi ipinaliwanag kung paano nangyari ang pagpatay.

Matatandaang nahaharap ang Pangulo sa dalawang communication sa International Criminal Court (ICC) kaugnay sa drug war.

Facebook Comments