UMALMA | Pag-aangkat ng galunggong mula China, kinuwestyon

Manila, Philippines – Umalma si Senadora Cynthia Villar sa pag-apruba ng Department of Agriculture (DA) sa pag-aangkat ng labing pitong libong metrikong toneledang galungong galing China.

Giit ni Villar, na siya ring chairman ng senate committee on agriculture and food, pwede namang hindi na mag-angkat ng galunggong dahil marami namang isda na mabibili mula sa mga lokal na mangingisda gaya ng bangus, hasa-hasa at ayungin.

Kasabay nito, nanawagan si Villar sa DA na repasuhin ang mga patakaran nito hinggil sa otomatikong importasyon kapag nagkukulang ng produkto.


Aniya, hindi pag-aangkat ang laging sagot para mapababa ang presyo ng produkto.

Maliban rito, pinaglalatag rin ni Villar ang mga agriculture official ng long term solution para mapatatag ang supply ng bigas at isda sa bansa.

Facebook Comments