UMALMA | Pagdawit ng AFP sa mga estudyante at ilang eskwelahan sa Red October, binuweltahan

Manila, Philippines – Umalma ang mga estudyante at mga eskuwelahang idinadawit ng militar sa Red October plot laban kay Pangulong Rodirog Duterte.

Ito ay matapos maglabas ang Armed Forces of the Philippines (AFP) ng listahan ng umano ay mga paaralan sa Maynila na iniimpluwensiyahan ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) para tuligsain ang administrasyong Duterte.

Ayon kay Jordan Jayme, estudyante ng Polytechnic University of the Philippines (PUP), hindi nila ikinakaila na gusto nilang matanggal sa puwesto si Pangulong Rodrigo Duterte pero pawang kasinungalingan ang kanila raw ugnayan sa mga komunista.


Giit naman ni UP Diliman chancellor Michael Tan, magsasalita ang kanilang mga estudyante lalo na kung may makita silang kawalan ng katarungan.

Kinondena naman ni Commission on Human Rights (CHR) Spokesperson Atty. Jacqueline De Guia ang “red tagging” ng militar dahil maaari raw itong maging daan para malabag ang karapatan ng mga kabataan.

Facebook Comments