UMALMA | Pambobomba sa mga lumad sa Surigao Del Sur, kinundena ng grupong Bayan

Manila, Philippines – Mariing kinundena ng grupong Bayan ang nangyaring pambobomba sa mga komunidad at lugar ng mga lumad sa Surigao Del Sur.

Ayon kay Bayan Secretary Renato Reyes, kasabay ng ikalawang araw na Oral Argument kahapon sa Supreme Court sa usapin ng Constitutionality ng pagpatutupad ng pinalawig na Martial Law sa Mindanao na ilang pamilyang lumad ang kinakailangang lumikas matapos ang sunod-sunod na pambobomba mula sa 75th Infantry Battalion ng Philippine Army.

Paliwanag ni Reyes, lubha umanong na nangangamba ang mga lumad sa paligid ng paaralan at Alcadev Inc. at iba pang 14 na iba pang komunidad ng lumad partikular na tinukoy ni Reyes ang mga ulat na serye ng pambobomba at mga pagpapaputok ng baril mula sa militar sa Sitio Magkahunao Barangay Buhusin, San Agustin, Surigao Del Sur.


Labis na ikinabahala ni Reyes na sa harap ng kanilang pagtutol sa pagpapalawig sa Batas Militar ay nauulit umano ang karahasan laban sa mga komunidad ng lumad.

Facebook Comments