UMALMA | Panawagan ng mga Senador na magresign ang mga opisyal ng NFA, pinalagan

Manila, Philippines – Tahasang sinabi NFA Spokesperson Rex Estoperez na hindi naiintindihan ng mga Senador ang kanilang sinasabi.

Ginawa ni NFA Spokesperson Rex Estoperez ang pahayag bilang tugon sa panawagan ng mga Senador na magbitiw na sa tungkulin ang mga matataas na opisyal ng NFA dahil sa kabiguan na matiyak na may mabibiling murang bigas ang mga maralitang pamilya.

Ayon kay Estoperez, ugali ng mga Senador na magturo ng sisi.


Hindi naman aniya makatwiran ito dahil ginagawan naman nila ng paraan ang pagresolba sa krisis sa bigas.

Hindi aniya nila kasalanan na wala na sa panahon ang naging importation gayong maaga naman silang nag abiso sa NFA council para sa pag aangkat ng bigas.

Halos hindi na rin natutulog ang kanilang mga tauhan para bantayan ang abuso sa presyuhan ng bigas.

Sa halip na sisihin ang NFA,Hinamon ni Estoperez ang mga Senador na tumulong sa paghahanap ng solusyon.

Facebook Comments