Manila, Philippines – Inalmahan ni Philippine National Police (PNP) Chief Director General Oscar Albayalde ang pahayag ng Coalition Against Trafficking in Women-Asia Pacific (CATW-AP) na talamak na umano sa PNP ang ‘palit-puri scheme’.
Giit ni Albayalde, hindi totoo na talamak ang panggagahasa ng mga pulis sa kanilang mga inaaresto.
Aniya, hindi sinasalamin ng pagkakasala ng isang tao ang kaugalian at disiplina na taglay ng matitinong pulis.
Matatandaang isang 15-anyos na dalagita ang inakusahan si PO1 Eduardo Valencia na pinilit umano siyang makipag-talik kapalit ng kalayaan ng kaniyang mga magulang na nahuli dahil sa ilegal na droga noong Oktubre 25.
Facebook Comments