UMALMA | Quo warranto, maaring gamitin laban sa mga impeachable officer; Kampo ni Sereno, pumalag

Manila, Philippines – Hindi hadlang ang pagiging impeachable officer sa pagsusulong ng Quo Warranto proceedings.

Ito ang iginiit ni Solicitor General Jose Calida matapos siyang maghain ng Quo Warranto petition laban kay on leave Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Sinabi ni Calida na batay sa naunang desisyon ng Korte Suprema sa kaso ng Funa versus Villar, ang Quo Warranto ay maaari pa ring gamitin laban sa mga impeachable officer.


Ang nasabing kaso ay tumutukoy sa pagkwestiyon ni Atty. Dennis Funa sa constitutionality ng pagkakatalaga kay Reynaldo Villar bilang Chairman ng Commission on Audit na idineklara ng Korte Suprema na unconstitutional.

Samantala, umalma ang kampo ni Sereno sa quo warranto case na inihain ni Calida.

Ayon sa kampo ni Sereno, wala itong basehan sa ilalim ng konstitusyon kaya dapat itong ibasura ng Supreme Court.

Anila, maaari lamang maalis sa pwesto ang Chief Justice sa pamamagitan ng impeachment.

Facebook Comments