UMALMA | Sec. Harry Roque, pinagpapaliwanag ang kampo ni dating CJ Sereno

Manila, Philippines – Umalma ang kampo ni dating CJ Maria Lourdes Sereno sa patutsada ni Presidential Spokesman Harry Roque na kinakailangan na ng psychosocial assistance ni Sereno.

Ayon kay Atty. Jojo Lacanilao, isa sa mga abogado ni Sereno, sa halip na atakihin si Sereno, dapat na ipaliwanag ni Roque kung bakit ang mga taong gobyerno na sinibak sa pwesto ng Pangulo dahil sa alegasyon ng korapsyon ay hindi naman nasasampahan ng kaso sa korte.

Sinabi pa ni Lacanilao na may mga nasibak pa ngang opisyal ng pamahalaan ang na-recycle lamang at muling itinalaga ng Pangulo sa ibang posisyon sa gobyerno.


Nauna nang sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na kailangan na ni Sereno ng psychosocial assistance matapos sabihin nitong palabas lamang ng Pangulo ang ginagawa nitong pagsibak sa mga opisyal ng pamahalaan na sangkot sa korapsyon.

Facebook Comments