UMALMA | VP Robredo, bumuwelta sa mga naging pahayag ni PRRD

Manila, Philippines – Bumuwelta ngayon si Vice President Leni Robredo sa mga naging pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte nitong mga nakaraang araw.

Ito ay makaraang sabihin ng Pangulong Duterte na mas mainam para sa Pilipinas ang isang diktador gaya ng “Marcos” kaysa sa isang lider tulad ni Robredo at may ebidensya raw ang presidente na sangkot sa droga ang bayaw ng bise presidente.

Ayon kay Robredo na ang mga alegasyon ni Duterte ay “recycled rants” na ginagamit para pagtakpan ang mga kabiguan ng administrasyon.


Dagdag pa ni Robredo na mas mabuti pang pag-tuunan ng pansin ng Pangulo ang paglutas sa mga problema ng mamamayan.

Sa naging talumpati ni Robredo sa 2018 Ramon Magsaysay Awards, tila pinasaringan pa ang bise presiente sa Pangulo.

Sa huli, sinabi ni Robredo na sa halip na i-glorify ni Duterte ang isang diktador na nagnakaw at kumitil sa buhay ng maraming Pilipino, marapat na pag-isahin niya ang taumbayan at tiyakin na mapapakinggan ang kanilang mga boses.

Facebook Comments