UMALMA | VP Robredo, bumuwelta sa PNP matapos sabihing ang Naga City ay kabilang sa mga lugar sa bansa na may pinakamataas na crime rate

Manila, Philippines – Pumalag si Vice President Leni Robredo sa pahayag ng Philippine National Police (PNP) na ikalima ang Naga City sa may pinakamataas na crime rate sa Pilipinas.

Inilabas ito ni PNP Chief Oscar Albayalde ang pahayag matapos sabihin ni Pangulong Rodrigo Duterte na “hotbed” ng shabu ang Naga City.

Sa kanyang Twitter post, sinabi ni Robredo na hindi katanggap-tanggap ang inilabas na impormasyon ni Albayalde.


Nanawagan si Robredo na itigil na ang paglalabas ng maling impormasyon.

Facebook Comments