UMAMIN | PNP, inaming wala pang nakakasuhan sa mga nabiktima matapos gumamit ng iligal na paputok.

Manila, Philippines – Inamin ng Philippine National Police (PNP), na wala pa silang nakakasuhang mga nasugatan o naputulan ng kamay dahil sa paggamit ng iligal na paputok.

Ito ayon kay Police Supt. Johnny Capalos, ay dahil wala na silang ebidensiya na magpapatunay na iligal na paputok nga ang ginamit ng mga ito, dahilan para masugatan.

Aniya, kahit pa may witness, wala rin namang complainant para sumulong ang kaso.


Karaniwan aniya sa kinalalabasan ng kanilang imbestigasyon, ang mga nakakasuhan ay yung mga nagbenta ng mga iligal na paputok sa mga nabiktima.

Facebook Comments