UMAMIN | Sales area manager, kalaboso matapos mabuko ang modus na “hold-up me”

Aklan – Kalaboso ang isang sales area manager ng isang finance company matapos mabuko ang diskarte nito na “hold-up me”.

Kinilala ang suspek na si Ivan Santander Bobole, 22-anyos na sales area manager ng Flexi Finance-Aklan.

Sa ulat, unang nagtungo sa presinto si Bobole upang i-report na siya ay naholdap ng riding-in-tandem habang palabas sa parking area ng isang mall kung saan tinangay ang kanyang sling bag na naglalaman ng P605,000.


Pero lumalabas sa imbestigasyon ng pulisya na walang holdapan na nangyari sa lugar at sa huli inamin ng suspek na nadispalko niya ang pera ng kumpaniya na ginastos niya para sa na-stroke na ina at sa kaniyang luho.

Facebook Comments