Manila, Philippines – Iniangal ni Senator Antonio Trillanes IV ang umano ay baliktad na hustisya sa gobyerno ni Pangulong Rodrigo Duterte kung saan ang mga mandarambong ay pinapalaya at ang mga kritiko ay ginagawan ng kaso at pilit ipinapakulong.
Pahayag ito ni Trillanes makaraang maglabas ng warrant of arrest ang Davao Regional Trial Court kaugnay sa kasong libelo na inihain ni dating Davao City Vice Mayor Paolo Pulong Duterte.
Ayon kay Trillanes, handa syang paaresto at sa katunayan ay plano niyang makipag-ugnayan kay NCRPO Chief Director Guillermo Eleazar para sa kanyang pagsuko.
Pero ayon kay Trillanes, sinabi ng kanyang mga abogado na base sa circular ng Dept. of Justice at sa Article VI, Section 11 ng konstitusyon, ay hindi maaring isilbi kapag friday, weekend, at holiday ang warrant of arrest para sa mga kasong may parusang hindi bababa sa 6 na taong pagkakulong.
Bunsod nito ay balak na lang ni Trillanes na maghain ng piyansa sa Lunes.