UMANGAT | Isa sa kada tatlong pamilyang Pinoy, nagsabing nakaahon sila sa kahirapan – SWS

Manila Philippines – Isa sa kada tatlong pamilyang pinoy ang nagsabing nakaahon sila sa kahirapan noong 2017.
Sa pinakabagong Suvey ng Social Weather Stations na isinagawa noong December 8 hanggang 16 noong nakaraang taon sa 1,200 respondents sa buong bansa,17 percent ang minarkahan ang kanilang mga sarili na “usually non-poor” habang 14 percent ang nagsabing sila ay “newly non-poor”.
Aabot naman sa 31 porsyento ang nagsasabing nakatawid sila sa pagiging “poor” to “non-poor”.
25 porsyento naman ang hindi nakaranas ng kahirapan habang 44 porsyento ang nagsabing ikinukonsidera nila ang mga sarili bilang mahirap noong December 2017.
Batay sa SWS classification, ang “usually non-poor” ay ang mga naghirap sa loob limang taon o higit habang ang “newly non-poor” ay ang mga naghirap sa loob ng isang taon hanggang apat na taon.

Facebook Comments