Manila, Philippines – Nilinaw ng Quezon City Government na walang outbreak ng sakit na meningococcemia sa Novaliches.
Ayon sa pamunuan ng Novaliches District Hospital, hindi totoo ang mga balitang may outbreak ng nasabing sakit kung saan normal preventive measure ang ginawang shutdown sa kanilang emergency room.
Ipinatupad ang temporary shutdown bilang bisafety measure matapos dalhin doon ang isang 11 anyos na batang lalaki noong January 4.
Hinihinalang meningococcemia ang sakit ng bata kaya agad itong inilipat sa isang specialized government healthcare facility at inilagay sa isolation room.
Isang araw din isinara ang emergency room para sumailalim sa decontamination upang maiwasan ang pagkalat ng sakit sakaling totoo nga na may meningococcemia ang bata.
Ang mga pasyente at mga medical staff naman nasa ospital noong araw na iyon ay nabigyan na rin ng preventive treatment.