Umano ay paglabag sa quarantine protocol ni Sen. Koko Pimentel, iimbestigahan na rin ng PNP

Handa ang Philippine National Police (PNP) na imbestigahan ang umano’y paglabag ni Senator Koko Pimentel sa quarantine protocol.

Ito ay matapos aminin mismo ng senador na positibo sya sa COVID-19 pero inamin rin na pumunta siya sa isang ospital para samahan ang kanyang asawang buntis at nagawa pang mag-shopping habang hinihintay ang COVID-19 test result na paglabag sa quarantine protocol ayon sa Department of Health (DOH).

Ayon kay PNP Spokesperson Brigadier General Bernard Banac, sa oras na may matanggap silang pormal na reklamo mula sa ospital o sinumang complainant ay bago pa lamang sila gagawa ng imbestigasyon.


Kapag naimbestigahan na, aniya, at nakitaan ng probable cause ng korte ang kasong isasampang kaso sa senador ay susunod na rito ang paghahain ng arrest warrant ng PNP.

Hanggang ngayon, aniya, ay naghihintay ang PNP ng formal complaint.

Facebook Comments