Umano’y 18 Sundalo na Napatay ng NPA sa Pagpapasabog sa Cagayan, Pinabulaanan!

Walang katotohanan!

Ito ang mariing inihayag ni Col. Laurence Mina, pinuno ng 502nd Infantry Liberator Brigade, 5th ID, PA sa inilabas na pahayag ng nagpakilalang Henry Abraham Command (HAC)-NPA Cagayan sa kanilang social media account.

Sa panayam ng 98.5 RMN Cauayan kay Col. Mina, walang casualty o nasugatan sa convoy ng Marine Batalion Landing Team (MBLT) sa ginawang pagpapasabog ng NPA noong March 30, 2019 sa Gattaran, Cagayan.


Taliwas anya ito sa pahayag ng NPA na mayroon umano silang 18 na napatay sa tropa ng militar.

Naganap ang insidente habang pauwi ang mga sundalo galing sa kanilang headquarters kung saan gumamit ng land mines ang mga nakaabang na NPA upang pasabugin ang 6×6 truck na sakay ng mga sundalo.

Hindi anya napuruhan ang sasakyan ng mga sundalo dahil nakalampas na ito nang sumabog ang patibong na landmine ng mga naniktik na NPA.

Dagdag pa ni Col Mina, dati nang gawain ng mga rebeldeng grupo ang magsabi ng kasinungalingan laban sa militar.

Facebook Comments