Umano’y 6 billion “tongpats” sa pork importation na alegasyon ni Senador Panfilo Lacson, pinalagan ng DA

Pumalag ang Department of Agriculture (DA) sa ibinunyag ni Sen. Panfilo Lacson na may 6-B “tongpats” sa planong itaas ang volume ng imported pork products at sa pagbaba ng taripa.

Ayon sa Senador, posibleng may kumita sakaling aprubahang taasan ang Minimum Access Volume o MAV ng imported pork ng hanggang 400,000 metric tons at sa reduction ng tariffs ng hanggang 5 percent.

Ayon sa Senador, mistulang ginagamit lang na pantakip ang African Swine Infestation para sa umano’y kickback.


Sa isang statement, tiniyak ni Atty, Janes Bacayo, Exec. Director at MAV Secretariat, Department of Agriculture na walang anomalya sa MAV allocations.

Aniyat, above board o nasunod ang lahat ng guidelines sa issuance ng sa MAV in-quota.

Dagdag ni Bacayo, walang binago sa MAV allocations at itinuloy lang ang mga ipinatupad sa ilalim ng nagdaang liderato ng DA.

Facebook Comments