Umano’y alok ni PBBM na P1-B at cabinet post kapalit ng pagtakbo ni Silvestre Bello sa Davao, hindi totoo —Palasyo

Mariing pinabulaanan ng Malacañang ang pahayag ni dating Manila Economic and Cultural Office (MECO) Chief Silvestre Bello III na inalok umano siya ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na tumakbo bilang congressman sa Davao City 3rd District.

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, personal niyang kinumpirma sa pangulo ang akusasyon ni Bello at diretso niya itong pinasinungalingan.

Lumabas ang isyu matapos magkuwento si Bello sa isang forum na inalok siya umano ng ₱1 bilyon at posibleng Cabinet post kapalit ng pagtakbo laban kay Davao City Rep. Isidro Ungab, na konektado sa nakaraang administrasyon.

Iginiit ni Bello na tinanggihan niya ang alok, at ito raw ang dahilan kung bakit siya tinanggal bilang MECO chair noong Setyembre 2024.

Nanindigan naman ang Palasyo sa posisyon nitong walang katotohanan ang akusasyon at hindi umano nagmula sa presidente ang naturang alok.

Facebook Comments