Ibinunyag ngayon ng Alliance of Concerned Transport Organization) o ACTO ang umano’y investment scam sa gumugulong na transport modernization program.
Ayon Kay ACTO President Efren De Luna, isang Yellow Dot Transport Terminal Inc ang naniningil ng 250,000 pesos kada operator.
Ito ay para mapasama sa isang kooperatiba at magkaroon ng isang modernong jeep.
Ang consolidation ay unang bahagi ng transport modernization program kung saan isusurender ng isang individual operator ang kanyang prangkisa at bubuo ng kooperatiba o korporasyon na siyang kokontrol sa mga bagong unit.
Apela ng ACTO, huwag na silang piliting pumasok sa PUV modernization program na ngayon pa lamang ay may mga pruweba na sila na ito ay pinagkakakitaan lamang.
batay sa timeline ng DOTR-LTFRB ay hanggang July 2020 na lamang at wala nang bibiyahe pang mga lumang jeep sa buong bansa.