Umano’y away sa pagitan nina Pangulong Duterte at anak na si Inday Sara, itinanggi ng Palasyo

Tahasang pinabulaanan ng Palasyo ng MalacaƱang na may namumuong away sa pagitan nina Pangulong Rodrigo Duterte at anak na si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio.

Kasunod ito ng paghimok ni Mayor Sara sa kanyang mga supporters na protektahan ang kanyang running mate na si dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos.

Nag-ugat ito makaraang sabihin kamakailan ni Pangulong Duterte na mahinang lider si Marcos at isang spoiled na anak, kasabay ng pagsuporta kay Senador Christopher Lawrence ā€œBongā€ Go bilang kanyang presidente para sa eleksyon 2022.


Ayon kay acting Presidential Spokesperson at CabSec. Karlo Alexi Nograles, hindi totoo na may namumuong away sa pagitan ng mag-ama, sapagkat sa ganitong panahon ng eleksyon ay normal lamang na may magkaibang kandidatong sinusuportahan ang bawat isa.

Facebook Comments