Umanoy Bagman Ni Sen. Leila De Lima, Ihaharap Sa Pagdinig Ng Kamara Ngayong Araw Kaugnay Ng Drug Trade Sa Bilibid

11

MANILA – Inaasahang haharap ang umanoy “bagman” ni Sen. Leila De Lima na si Jonel Sanchez at ang high profile inmate na si Jaybee Sebastian sa pagdinig ng kamara kaugnay ng drug trade sa New Bilibid Prison, mamayang alas-nuebe ng umaga.Ayon kay House Committee Chairman Reynaldo Umali, na ipina-subpeona nila sila Sebastian at Sanchez.Gayundin sina ronnie dayan at dating bucor chief franklin bucayo para makadalo sa pagdinig.Oras na hindi magpakita sa pagdinig si Dayan ay ipapa-contempt na nila ito para ma-isyuhan ng warrant of arrest.Samantala… Isang dating staff ni De Lima ang ihaharap si Justice Secretary Vitalliano Aguirre na nautusang mag-deposito mag-withdraw ng drug money sa secret account ng senadora.Sinabi ni Aguirre, na labing dalawa hanggang labing limang bilyong piso ang kinita ni De Lima mula sa drug money sa Bilibid.Pero, aminado ang kalihim na hindi pa nila alam kung kanino nakapangalan ang naturang bank account.Mariin naman itinanggi ni De Lima ang mga akusasyon laban sa kanya at sinabing imbento lang ito.

Facebook Comments