Iginiit ni House Appropriations Committee Chairman at Ako Bicol Party-list Representative Zaldy Co na fake news ang kumakalat sa social media na may bilyon-bilyong pisong pondong nakalaan para sa flood control projects sa Bicol Region.
Diin ni Co, ang totoo ay isa ang Bicol sa may pinakamaliit na alokasyon para sa national road at flood control projects.
Paliwanag ni Co, prayoridad ng kasalukuyang administrasyon at ni House Speaker Martin Romualdez ang pagsasama o convergence ng flood control sa water management ng National Irrigation Administration (NIA).
Sabi ni Co, sa nasabing hakbang, ang bawat proyekto para sa pagbaha ay iniuugnay sa irrigation facilities ng NIA.
Binanggit ni Co na layunin nito na matugunan ang pangangailangan sa patubig ng mga sakahan upang mapalakas ang food security sa bansa.