Umano’y “Cabral Files,” ayaw nang patulan ng Malacañang

Hindi papatulan ng Malacañang ang mga paratang na nakabatay sa mga dokumentong hindi kinikilala at hindi pa napapatunayan ng Department of Public Works and Highways.

Pahayag ito ni Palace Press Officer Atty. Claire Castro sa inilantad na Cabral files ni Congressman Leandro Leviste kung saan may mga gabinete na sangkot sa mga insertions sa flood control projects.

Ayon kay Castro, kung walang opisyal na beripikasyon, walang bigat at hindi dapat gawing basehan ang mga naturang papel.

Sinabi rin ng Malacañang na si Congressman Leviste lamang umano ang may hawak ng mga dokumentong ito.

Ang Cabral files ay nagmula umano kay DPWH Undersecretary Maria Catalina Cabral na natagpuang patay sa Tuba, Benguet noong nakaraang linggo, sa gitna ng kontrobersiya sa flood control scandal.

Facebook Comments