Umano’y chat ng mga miyembro ng Aegis Juris Fraternity, lumutang

Manila, Philippines – Nag-trending sa social media ang mga umano’y Facebook messenger chat ng ilang miyembro ng Aegis Juris Fraternity.

Makikita sa chat ang pag-uusap ng pitong sinasabing miyembro ng fraternity tungkol sa ‘initiation rites’ sa magiging bagong miyembro ng samahan.

Sa unang bahagi ng palitan ng mensahe, pinag-uusapan nila ang paghahanda sa magaganap na pagsalang ng iisang neophyte sa kanilang gagawing ‘fraternity rites’


Gagawin sana ang initiation sa isang lugar sa Bulacan pero inilipat ito sa sinasabing ‘F-L’.

Kinabukasan nito, may nag-mensahe ng salitang ‘emergency’.

Ang Aegis Juris Fraternity ay ang samahan na sinalihan ng napatay na UST law student na si Horacio Castillo, III.




Facebook Comments