Umano’y Chinese spy, hindi palalabasin ng bansa

Hindi ipapa-deport ng Bureau of Immigration (BI) ang Chinese national na si Yuhang Liu.

Si Liu ay matatandaang naaresto ng Criminal Investigation and Detection Group-National Capital Region Field Unit sa Makati noong Mayo kung saan nakuha sa kanya ang mga gadgets na nagtataglay ng libo-libong mga kahinahinalang larawan, video, audio, applications, data base, call logs, at file documents.

Ayon kay Philippine National Police PIO Chief PCol. Jean Fajardo, hindi hahayaang makalabas ng bansa si Liu na nahaharap ngayon sa illegal interception at misuse of devices na paglabag sa Cybercrime Prevention Act of 2012.


Una nang sinabi ng PNP na maituturing na security concern ang mga nakitang files sa suspek dahil sangkot ito sa malawakang scam.

Inaalam na ngayon ng pulisya kung sino pa ang kasabwat nito o kasama ba ito sa malaking sindikato.

Samantala, hihirit ng panibagong cyberwarrant ang CIDG sa korte para masuri ang mga nakuhang ebidensya rito para masampahan ng kasong espionage o pang-eespiya.

Facebook Comments