Umano’y daan-daang Javelin missiles na inihatid ng US sa Pilipinas, pinasinungalingan ng AFP

Muling hinimok ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang publiko na maging mapanuri sa mga nababasa sa social media.

Ito ay makaraang kumalat ang isang social media post na nagsasabing daan-daang US Javelin missiles ang naihatid sa Pilipinas.

Ayon sa AFP, hindi ito totoo dahil ang mga larawan ay kuha pa noong February 2022.


Ang larawan na ginamit at naipost sa social media ay mula sa isang hiwalay at lehitimong paghahatid ng mga Javelin Anti-Tank Missiles sa Ukraine.

Nauna nang sinabi ng AFP na nakakabahala na ang pagkalat ng fake news lalo na sa mga social media platform kung saan layunin nito na sirain ang kumpiyansa ng publiko sa kasalukuyang administrasyon.

Facebook Comments