Umano’y dayaan, hindi nangyari sa isinagawang midterm elections

Manila, Philippines – Walang nakita ang Joint Congressional Oversight Committee on the Automated Election System na dayaang kagagawan ng Smartmatic sa ginanap na midterm elections nitong Mayo.

Sa pagdinig ay ipinaliwanag ng Commission on Elections o Comelec na ito at hindi ang Smartmatic ang may kontrol sa eleksyon.

Nilinaw ng Comelec na nagsuplay lang ang Smartmatic ng software para sa transmission ng mga boto mula sa precinct level hanggang sa mga servers ng Comelec.


Diin ng Comelec, ang mga nagkaaberya na vote counting machines (VCM), SD cards at voter registration verification machine ay mula sa magkakaibang supplier na kinuha ng Comelec mula sa bidding.

Sa panayam, ay sinabi naman ni Comelec Chairman Sheriff Abbas na naipaliwanag naman nila sa mga senador at kongresista na naresolba ang mga aberya at malinis ang halalan sa kabila ng ilang aberya.

Maging si Caloocan Congressman Edgar Erice na miyembro ng Liberal Party at ng oversight committee ay kumbinsido na malinis ang eleksyon at pinuri nito ang matagumpay na pangangasiwa ng Comelec.

Facebook Comments